Malaki ang pakinabang sa kalusugan ng pagtulog ng maaga.
Bagaman mahirap itong gawin para sa mga sanay na sa puyatan, baka sakaling makumbinsi kayo kapag nalaman ninyo ang mga buting dulot ng pagtulog ng maaga katulad ng nami-maintain at nakokontrol nito ang timbang.
Ang tamang pagtulog sa gabi ay nakatutulong sa pag-reset ng metabolism at nagre-regulate ng blood sugar.
Sa pagtulog ng maaga, nababawasan ang tsansa na magkasakit, maging ang panganib na dapuan ng chronic diseases.
Mas nagiging produktibo at positibo rin ang mga taong maagang nakakatulog. —sa panulat ni Lea Soriano