dzme1530.ph

“Mga bunga ng Kalayaan” Concert, idinaos kagabi

Isang concert ang idinaos kagabi sa Metropolitan Theather Manila bilang bahagi ng paggunita sa 125th Anniversary ng Philippine Indepence.

Ang concert na pinamagatang “Mga Bunga ng Kalayaan” ay pagdiriwang sa pinagdaanan ng bansa tungo sa kalayaan, na itinanghal sa pamamagitan ng musical performances, sayaw, poetry, at skits, na dinirek at isinulat ni Floy Quintos.

Itinampok sa naturang konsiyerto ang pagbabalik tanaw sa mga narasan ng mga Pilipino noong colonial era.

Naniniwala si Quintos na bagaman nakamtan na ng Pilipinas ang kasarinlan ay napakarami pa aniyang kailangang alagaan upang tuluyang makamtan ang ating kalayaan.

Ang Independence Day concert ay inorganisa ng National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines, at Metropolitan Theater. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author