dzme1530.ph

Mga bitak na nakita sa dalawang istasyon ng MRT-3, hindi dapat ikabahal —DOTr

Walang dapat ikabahala sa mga bitak na nakita sa dalawang istasyon ng MRT-3 kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Calatagan, Batangas at nagpayanig sa iba’t ibang bahagi ng metro manila, ayon sa Department of Transportation.

Ginawa ni DOTr Asec. for Railways Jorgette Aquino ang pahayag, makaraang inspeksyunin ang lahat ng MRT-3 stations at nakitang wala namang pinsala sa mga riles, signalling equipment, at station facilities ng train system.

Sinabi ni Aquino na bagaman ang mga bitak na nakita sa Boni Station at Ayala Station ay walang dulot na panganib sa riding public at train operations, inatasan pa rin niya ang MRT-Operations, Maintenance, at Engineering personnel, pati na ang kanilang Consultant, na magsagawa ng in-depth inspection. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author