dzme1530.ph

Mga benepisyong hatid ng sabaw ng buko, alamin!

Ang coconut water o sabaw ng buko ay nutrient-rich choice para sa hydrating. Maaring makinabang dito ang kalusugan, pati na ang puso at kidneys.

Bukod sa natural na matamis at hydrating, ang sabaw ng buko ay siksik sa iba’t ibang mahahalagang nutrients, kabilang ang minerals na kadalasang kinukulang ang maraming tao.

Mayroon ding antioxidant properties ang coconut water at nakatutulong upang mapababa ang blood sugar ng mga mayroong diabetes.

Nakatutulong din ang pag-inom ng sabaw ng buko upang makaiwas sa kidney stones at mabawasan ang panganib ng heart disease.

Perfect din itong inumin pagkatapos ng mahabang pag-e-ehersisyo para sa pagbabalik ng hydration at mapalitan ang electrolytes na nawala habang nag-e-exercise.

About The Author