Ang Dragon Fruit na kilala rin bilang Pitahaya o Strawberry pear, ay isang low calorie tropical fruit na popular dahil sa kanyang matingkad na kulay pulang balat at matamis na lasa.
Nagtataglay ito ng nutrients, prebiotic fibers, at iba pang healthy substances.
Nakatutulong ang pagkain ng dragon fruit sa paglaban sa chronic disease. Pinapatay ng antioxidants ang free radicals, kaya naiiwasan ang cell damage at inflammation.
Natuklasan sa pag-aaral na ang diet na may mataas na Antioxidants ay maaaring makatulong upang maiwasan ang chronic diseases, gaya ng sakit sa puso, cancer, diabetis at arthritis.
Mayaman din dragon fruit sa fiber at nakatutulong din sa pagkakaroon ng healthy gut o bituka. Nagpapalakas din ito ng immune system, nagpapataas ng iron levels at good source ng magnesium. —sa panulat ni Lea Soriano