Itataas na sa 300,000 mula sa 3,000 pamilya ang mga benepisyaryo ng Food Stamp Program o “Walang Gutom 2027” flaghsip program, sa susunod na taon.
Ayon sa Dep’t of Social Welfare and Development, sa gitnang bahagi ng 2024 ay sisimulan na ang scale up o mas pinalakas na food stamp program, alinsunod na rin sa Executive Order no. 44 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Sinabi pa ni DSWD Undersecretary Edu Punay na aprubado na ng Dep’t of Budget and Management ang budgetary requirements para sa pagpapatupad ng programa sa 2024.
Ipinaliwanag ni Punay na ang program scale up ay mangangailangan ng P6-B.
Sa ilalim ng food stamp program, binibigyan ng P3,000 na food credits ang mga piling pinaka-mahihirap na pamilya upang kanilang maipambili ng mga pangunahing pagkain. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News