Tinatayang tataas ng mahigit 35 million ang mga bagong kaso ng cancer pagsapit ng 2050, na mas mataas ng 77% mula sa 20 million cases na na-diagnosed noong 2022.
Sa pananaliksik ng International Agency for Research on Cancer ng World Health Organization, nakikitang dahilan ng pagsirit ng bagong cancer cases ang tobacco, alcohol, obesity, at polusyon sa hangin.
Kabilang sa inaasahang makapagtatala ng paglobo ng naturang kaso o karagdagang 4.8 million new cancer cases ang most-developed countries o high-income countries.
Subalit, nakita rin sa pag-aaral na posible itong tumaas ng 142% sa mga bansa na may mababang human development index kung saan, ito ay tumutukoy sa sukat ng social and economic development na nakatuon sa edukasyon, life expectancy and birth rate, at gross national income(GNI) per capita. —sa panulat ni Airiam Sancho