dzme1530.ph

Mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, pumalo pa sa 19k pamilya

Lumobo pa sa 19k ang bilang ng mga pamilya na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Rex Gatchalian, na nagsimula na ang kanilang ahensya sa pamamahagi ng food packs para sa mga apektadong pamilya.

Dagdag ni Gatchalian, magpapatuloy ang pamamahagi ng food packs ay isu-sustain hanggang sa makapalaot na ang mga mangigisda at magbalik sa kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, bibigyan din ang mga apektadong pamilya ng trabaho sa pamamagitan ng cash-for-work program, kung saan babayaran sila ng minimum wage sa loob ng 15-araw.

About The Author