dzme1530.ph

Mga akusado sa Degamo slay, inilipat na ng kulungan

Inilipat na sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga akusado sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Sa apat na pahinang order na may petsang June 30, ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 51 na ilipat ang mga akusado sa BJMP Compound sa Camp Bagong Diwa mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ibinasura ng Manila RTC ang motions ng mga akusado sa Degamo slay na manatili sila sa NBI Detention Facility bunsod ng kabiguang patunayan na mayroong banta sa kanilang mga buhay.

Samantala, pinayagan naman ng Korte ang mga akusado na dumalo at mag-participate sa paglilitis sa pamamagitan ng video conferencing. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author