dzme1530.ph

Mga ahensya ng gobyerno, inatasan ng Pangulo na pagsama-samahin ang tourism services

Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na i-consolidate o pagsama-samahin ang tourism services upang mai-angat ang sektor ng turismo ng bansa.

Sa meeting sa Malacañang kasama ang tourism sector ng Private Sector Advisory Council (PSAC), ini-halimbawa ng Pangulo ang Thailand kung saan organisado umano ang pag-aasikaso sa mga turista tulad ng hotel at flight booking, pagkuha ng driver at tour guide, at iba pang serbisyo.

Hindi umano ito tulad ng sa Pilipinas kung saan kadalasan ay magkaka-bukod pa ang pag-asikaso ng turista sa kanyang hotel, driver, at tour guide.

Kaugnay dito, iginiit ng Pangulo na kailangang i-consolidate ang tourism system upang matiyak na masisiyahan ang mga turista sa kanilang bakasyon.

Samantala, inatasan din ni Marcos ang Dep’t of Tourism na pag-aralan ang potensyal ng sports at Filipino cuisines sa paghikayat ng mga turista sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author