Binigyan na ng Go-signal ng Dep’t of Budget and Management ang mga ahensya ng pamahalaan para ibigay ang unang bahagi ng dagdag-sweldo sa mga kawani ng gobyerno.
Kinumpirma ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na pirmado na ang guidelines para sa salary adjustments.
Nakatakda na itong ilathala bukas, kaya’t maaari na ring ipatupad ang taas-sahod.
Sinabi ni Pangandaman na magagamit ang nalalabing personnel services budget ng mga ahensya para sa umento sa sahod, at ang magiging kakulangan ay maaaring kunin sa miscellaneous personnel benefits fund.
Naka-depende naman umano sa bilis ng pagpo-proseso ng Human Resources Dep’t ng bawat ahensya ang pagkakaloob ng salary increase.
Mababatid na magiging retroactive ang taas-sweldo at sasaklawin nito ang mga buwan mula Enero ngayong taon.