Tataas ang singil sa kuryente ng MERALCO ngayong hunyo makaraang makumpleto na ng kumpanya ang distribution-related fund.
Sa statement, sinabi ng utility distributor na magkakaroon ng upward adjustment na P0.4183 per kilowatt hour ngayong buwan, kaya ang overall rate para sa ordinaryong household ay tumaas sa P11.9112 per kilowatt hour mula sa P11.4929 per kilowatt hour noong Mayo.
Nangangahulugan ito na ang mga kumu-konsumo ng 200 kilowatt hour ay madaragdagan ng P84 ang kanilang bill ngayong buwan.
Ayon sa MERALCO, gaya ng inaasahan, ang nagpataas sa singil ay ang nakumpletong refund noong Mayo na P0.8656 per kilowatt hour, kaya’t ang impact nito ay mararamdaman sa bill ngayong Hunyo. —sa panulat ni Lea Soriano