Umapela si Senate Committee on Health chairman Christopher Bong Go sa gobyerno na tutukan ang problema sa Mental Health.
Ito ay dahil marami anya sa mga Pinoy ang nangangailangan ng atensyong medikal dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Binigyang-diin ng senador na sa ngayon ay tumaas ang mga naitatalang may mental health problems.
Kabilang dito ang mga may anxiety, depression, at iba pang mental health conditions.
Muli ring binanggit ng mambabatas ang tala ng Department of Education noong 2021 kung saan 404 na mag-aaral ang nag-suicide at may 2, 147 ang nagtangkang magpakamatay.
Iginiit ng senador na napapanahon nang ipasa ang mga panukala na naglalayong mabantayan ang mental health issues.
Kabilang na rito ang panukala ng senador na magkaroon ng mental health offices sa mga paaralan at magtalaga ng mga trained guidance counselors. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News