Nakatakdang tumanggap ang 97-year old US actor na si Mel Brooks ng honorary Oscar for lifetime achievement, mahagit limampung taon makaraang manalo ng best original screenplay para sa pelikulang “The Producers,” ayon sa Academy.
Si Brooks ay isa lamang sa mga entertainer na nanalo ng Oscar, Emmy, Tony at Grammy o “EGOT” sa career na tumagal ng walong dekada.
Tatanggapin ni Brooks ang kanyang golden statuette sa isang seremonya sa Los Angeles sa Nobyembre, kasama ang iba pang luminaries, gaya ni Angela Bassett.
Ang 64-year old naman na si Bassett na dalawang beses na-nominate sa Oscars ay binigyan ng pagkilala sa kanyang pagganap bilang Tina Turner sa “What’s Love Got to Do with It.” —sa panulat ni Lea Soriano