dzme1530.ph

Megastar Sharon Cuneta, walang intensyon na ipahiya si Maine Mendoza kasunod ng awkward moment sa premier ng EAT

Nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta na walang siyang intensyon na bastusin ang “EAT” mainstay na si Maine Mendoza nang banggitin niya rito si Alden Richard sa premier episode ng variety show sa TV5 noong nakaraang July 1.

Sinabi ni Sharon na binanggit lang naman niya ang nalalapit nitong pelikula kasama si Alden, na mayroong working title na “A Mother & Son’s Story.”

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang ginawa ng Megastar, habang ang iba ay inilarawan ang interakasyon ng dating magka-loveteam bilang “awkward”

Binigyan diin din ni Sharon na wala siyang balak ipahiya si Maine, kasabay ng pagsasabing masaya siya sa relasyon ng TV host at fiance nito na si Arjo Atayde.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author