Dapat ding kilalanin at bigyang halaga ang sakripisyo ng mga Filipino frontliners sa bansa at ituring sila bilang ating mga bayani sa pang-araw-araw nating buhay.
Ito ang sinabi ni Senator Bong Go bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan ng mga sundalo at kaalyadong lumaban sa digmaan noong panahon ng hapon.
Ayon sa Senador, tuwing Araw ng Kagitingan ay ginugunita natin ang katapangan ng ating mga sundalong nakipaglaban noong World War II pero nitong nakaraang pandemya, iba ang giyera na ating hinarap at hindi lamang mga pulis at sundalo ang lumaban kundi maging ang mga doktor, nars, at iba pang mga frontliners.
Dahil dito, tiniyak ng senador na mananatiling prayoridad niya ang kapakanan ng Filipino frontliners sa bansa at sa ibayong dagat habang isinusulong naman din niya ang ilang hakbang na makakabuti sa kanila.