dzme1530.ph

Media outfit na natanggalan ng prangkisa, hindi na dapat madagdagan pa

Nanindigan si Sen. JV Ejercito na hindi na dapat masundan ang pangyayari sa ABS-CBN network na natanggalan ng prangkisa.

Sinabi ni Ejercito na dapat manaig ang malayang pamamahayag sa bansa sa ilalim ng pagkilala sa freedom of expression.

Ito ay sa gitna ng ikinakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa iba’t ibang alegasyon ng karahasan laban kay Pastor Apollo Quiboloy na itinuturong mayari ng SMNI network.

Sinabi ni Ejercito na nakita naman ng lahat na hindi naging maganda ang epekto ng pagtatanggal ng prangkisa sa ABS-CBN dahil nabawasan ang mga network na naghahatid ng balita at serbisyo publiko.

Samantala, bagama’t aminado na hindi pa niya matukoy kung makatarungan ang suspensyon ng MTRCB sa dalawang programa ng SMNI, iginiit ni Senador Francis Escudero na hindi masisisisi ang ilan na isiping ginigipit ng gobyerno ang network. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author