Suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan.
Batay sa survey ng Oculum Research and Analytics Philippines na isinagawa noong July 17 hanggang 31, 2023, lumalabas na 91% ng respondents ang nagpahayag ng suporta sa 4Ps, na itinuturing “Most widely endorsed issue” at may mataas na kahalagahan sa mga Pilipino.
Sinundan ito ng National Issues, kabilang ang Climate Action na may 54%; k to 12 Educational Reform, 53%, at Mandatory Reserve Officers’ Training Corps, 50%.
Nakakuha naman ng 34% ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF).
Samantala, mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao ang 1,200 respondents na lumahok sa naturang survey. —sa panulat ni Airiam Sancho