dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pinoy, nakikita ang kahalagahan ng pagbili ng healthy grocery items

9 sa bawat 10 Pilipino ang nagpahayag ng kahalagahan sa pagbili ng healthy grocery items.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Marketing Data and Analytics Firm – Kantar Philippines noong Pebrero hanggang Abril, 97% ng mga Pinoy ang nagsabi na bumibili ito ng healthy food products.

99% rin ang nagpahayag na mahalaga ang pagiging physically fit.

7 naman mula sa 10 mamimili ang consistent o patuloy na bumibili ng masusustansyang pagkain.

Samantala, naitala sa National Capital Region ang pinakamaraming bilang ng mga healthy food item shopper. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author