Mas maraming Pilipino ang magdiriwang ng pasko ngayong taon nang “kagaya” noong nakaraang taon, batay sa survey ng Pulse Asia.
Sa Dec. 3 to 7, 2023 survey na nilahukan ng 1,200 respondents, 41% ang nagsabing, ang kanilang pasko ngayong taon ay kasing-sagana tulad ng kanilang naging pagdiriwang noong 2022.
16% naman ang nagsabing hindi kasing-sagana gaya noong nakaraang pasko ang kanilang pagdiriwang ngayon.
30% ng respondents ang nagsabing mas masagana ang pagdiriwang nila ng pasko ngayon kumpara noong nakaraang taon habang 13% ang nagsabing mas mahirap sila ngayon kumpara noong 2022.
Samantala, 92% ang kumpiyansang haharapin nila ang 2024 nang may pag-asa sa kabila ng mga kinakaharap na hamon sa buhay araw-araw.
1% ang nagsabing haharapin nila ang pasko nang walang pag-asa habang 7% ang nag-aalinlangan sa kanilang sagot. —sa panulat ni Lea Soriano