Dumami ang mga Pilipino na nagtitiwala at tumanggap sa gays at lesbians, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa March 26 to 29 survey, mayorya ng mga Pinoy ang nagpahayag ng positibong pananaw sa gays at lesbians, at itinuturing silang “trustworthy” at “contributors to society.”
Sa 1,200 respondents, 79% ang nagsabing ang mga gay o lesbian ay mapagkakatiwalaan kagaya rin ng ibang mga Pilipino.
7% lamang ang umamin na wala silang tiwala sa gays o lesbians, habang 13% ang undecided.
Sa tanong kung nakapag-a-ambag ang LGBTQIA+ individuals sa pag-unlad ng lipunan, 73% ng respondents sumang-ayon habang 8% ang kumontra at 19% ang undecided.—sa panulat ni Lea Soriano