dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pilipino, nakikitang mapagkakatiwalaan ang Muslim Filipinos —SWS survey

Nakikita ng mayorya ng mga Pilipino na mapagkakatiwalaan ang mga Muslim Filipinos gaya ng ibang Pinoy na kanilang nakilala, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumalabas sa resulta na 65% ng 1,200 respondents ang nagsasabi na mapagkakatiwalaan ang mga Muslim, kabilang ang sumagot ng ‘strongly agreed’ na may 28% at ‘somewhat agreed’ na may 37%.

22% naman ang nagsabi ng ‘undecided’ habang 7% ang ‘somewhat disagree’ at 5% ang ‘strongly disagree’ o hindi sumasang-yon.

Ipinapakita ng survey na nasa +52 ang net score kaugnay ng pagtiwala ng mga Pinoy sa Muslim Filipinos. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author