dzme1530.ph

Mayor Baste Duterte, nilinaw ang paghingi ng tawad matapos gamitin sa “drama” ni Sen. Marcos

Nilinaw ni Davao City Mayor Baste Duterte ang naging paghingi niya ng tawad kay Senador Imee Marcos.

Sa kanyang Official Facebook account, sinabi ng Alkalde na ang kanyang paglilinaw ay matapos gamitin sa drama ni Senador Imee sa harap ng media, ang paghingi niya ng paumanhin dito.

Binigyang diin ni Mayor Duterte na humingi siya ng tawad dahil naaawa siya sa Senadora, at hindi dahil sa mga sinabi niya tungkol sa kapatid nitong presidente na hinamon niyang mag-resign.

Umapela rin ang Alkalde kay Marcos na tigilan na ang paggamit nito sa kanya, kasabay ng pagsasabing pinalagpas na nga niya ito, pero nanatiling maingay ang Senadora. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author