Nakataas pa rin sa Alert level 3 o intensified unrest ang bulkang Mayon.
Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng 1 volcanic earthquake, 257 rockfall events at 6 na dome-collapse pyroclastic density current events.
Tumaas pa sa 1,558 tonelada ang daily sulfur dioxide emission ng bulkan at nagbuga ng 200 metrong taas ng plumes.
Habang patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater na may habang 2.8 kilometro sa Mi-Isi gully at 1.3 kilometro sa Bonga gully.
Dahil dito mahigpit pa ring pinag-iingat ng PHIVOLCS ang publiko sa banta nang pagguho ng mga bato mula sa bulkan, katamtamang pagputok, at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan.