dzme1530.ph

Mayon Volcano, isinailalim na sa Alert Level 3

Mula sa Level 2 ay itinaas sa Level 3 ang alerto ng Mayon Volcano sa Albay, kaninang tanghali. 

Ayon sa PHIVOLCS, senyales ito na tumaas ang tsansa na magkaroon ng hazardous eruption ang bulkan.

 Sinabi ng ahensya na tumaas ang bilang at volume ng rockfall events simula nang itaas sa Level 2 mula sa Level 1 ang alerto ng Mayon noong Lunes.

 Kabuuang 267 rockfall events at dalawang volcanic earthquakes ang naitala simula noong Lunes hanggang ngayong Huwebes, kumpara sa 54 rockfall events simula noong June 1 hanggang 4.

 Ipinaliwanag ng PHIVOLCS na ang Alert level 3 ay nangangahulugan na nagpapakita ng magmatic eruption sa summit ng lava dome, na may mas mataas na tsansa ng pag-agos ng lava at may posibilidad na sumabog ang bulkan sa mga susunod na linggo o araw. 

About The Author