dzme1530.ph

Mayon Volcano, inihalintulad ng PHIVOLCS sa pasyenteng nasa ICU

Patuloy na nakapagtatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng maraming aktibidad mula sa Mayon Volcano sa Albay.

Inihalintulad ni Dr. Paul Karson Alanis, resident volcanologist ng PHIVOLCS Mayon Observatory, ang bulkan sa isang pasyente na nasa ICU na hindi aniya bumubuti ang lagay, pero hindi rin naman lumalala.

Sa nakalipas na bente kwatro oras ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng 295 rockfall events, tatlong volcanic earthquakes, dalawang dome-collapse pyroclastic density currents (PDC) na tumagal ng dalawang minuto, at dalawang lava front collapse PDC na lumikha ng dalawandaang metrong taas ng light-brown plumes.

Sinabi ni Alanis na nagbuga rin ang Mayon ng 962 tons ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24-oras. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author