dzme1530.ph

Maybahay ng pinasalang na Gov. Degamo, gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya para sa asawa

Gagawing lahat ni Pamplona Mayor Janice Degamo, maybahay ng pinaslang na Gov. Roel Degamo, upang makamit lamang ang hustisya para sa kanyang asawa.

Sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee sa kaso, umapela ito na payagan siyang gumawa ng iba’t ibang paraan para makamit ang hustisya sa kanyang asawa.

Ayon sa alkalde, hindi naman nila minamaliit ang mga awtoridad pero hayaan aniya siyang i-explore ang lahat ng avenue kung saan nila makakamit ang hustisya para sa asawa.

Ayaw niya umanong dumating ang panahon na magkita sila sa kabilang buhay na ang masasabi lamang niya ay kinapos ang kanilang effort.

Matatandaan na noong Marso 4 ay pinagbabaril-patay si Governor Degamo habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) program sa tirahan nito sa Pamplona, Negros Oriental.

About The Author