Inanunsyo ng Land Transportation Office na ibinaba nito sa P300 ang maximum fee para sa medical exam na required sa student permit at driver’s license applicants.
Sa statement, sinabi ng LTO na ang polisiya ay batay sa rekomendasyon ng kanilang Komite na nagsagawa ng mga pag-aaral at serye ng mga konsultasyon upang matukoy ang most reasonable fee para sa accredited health facilities.
Aminado ang LTO na maraming reklamo sa mataas na singil sa pagkuha ng medical certificate kung saan P500 hanggang P700 ang ginagastos ng mga aplikante, na masyadong mahal para sa mga ordinaryong tao.
Ang mga medical clinics o health facilities na lalabag sa polisiya ay mahaharap sa 90-day suspension ng accreditation at P10,000 multa para sa first offense, habang ang susunod na paglabag ay may katapat na parusa na 180-day suspension at P15,000 na multa.
Sa ikatlong paglabag, babawian ng accreditation at permanent disqualification bilang accredited medical clinic o health facility ang kakaharapin ng violator. —sa panulat ni Lea Soriano