Typhoon category na lamang ang bagyong ‘Mawar’ matapos nitong humina, ayon sa PAGASA
Huling namataan ang sentro ng Typhoon ‘Mawar’ sa layong 2,170km silangan ng Visayas.
Ayon pa sa PAGASA, may posibilidad na muling lumakas ang bagyo dahil natapos na ang tinatawag na eyewall replacement cycle o “stage” na dinadaanan ng isang malakas na bagyo.
Gayunpaman maliit pa rin ang tsansa nitong tumama sa kalupaan ng bansa sa inaasahang pagpasok nito sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.