dzme1530.ph

Maulap na papawirin asahan sa Metro Manila ngayong araw

Umiiral pa rin ang Hanging Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Dahil dito, ayon sa PAGASA, asahang magiging maulap ang kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, pagkulog sa bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.

Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dala ng localized thunderstorms.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, ngayong araw posibleng makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area na namataan sa labas ng bansa bagamat mababa anila ang tiyansa na maging ganap itong bagyo.

Sumikat ang araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:50 mamayang hapon.

About The Author