Patuloy na nakaaapekto sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, BARMM, Palawan at Southern Leyte.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa bahagi ng Luzon, mula umaga hanggang tanghali na posibleng ulanin sa hapon, gabi at sa madaling araw.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:42 ng umaga at lulubog naman mamayang alas-6:18 ng gabi.