dzme1530.ph

Matatag na lagay ng ekonomiya, ipamamana ni Finance Sec. Diokno kay bagong DoF Sec. Ralph Recto

Maluwag ang loob na lilisanin ni Secretary Benjamin Diokno ang Dep’t of Finance.

Ayon kay Diokno, maipagmamalaki niya na iiwan niya ang DoF sa panahong nasa matatag na kondisyon ang ekonomiya.

Kasabay nito’y kinumpirma ni Diokno na ipapasa na niya ang kanyang posisyon kay House Deputy Speaker Ralph Recto.

Ipinagmalaki naman ng DoF ang mga naisakatuparan ni Diokno kabilang ang pagbuo ng kauna-unahang medium-term fiscal framework, pagpapataas ng revenues at spending ng gobyerno, digitalization, tax reforms, at iba pang inisyatibo.

Si Diokno ay babalik na bilang miyembro ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author