dzme1530.ph

Mataas na pass-through charges, dahilan sa dagdag-singil sa kuryente ng Meralco

Loading

Inanunsyo ng Meralco ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Agosto dahil sa pagtaas ng pass-through charges, partikular sa generation at transmission charges, ayon kay PR head Claire Feliciano.

Sa generation charge, tumaas ang gastos mula sa Independent Power Producers at presyo sa Wholesale Electricity Spot Market, bagaman bahagyang nabawasan ito ng pagbaba ng singil mula sa power supply agreements ng Meralco.

Tumaas din ang transmission charge, o ang bayad sa grid operators, na isa ring pangunahing salik sa dagdag-singil ngayong buwan.

Aabot sa ₱0.63 kada kilowatt-hour ang dagdag, katumbas ng humigit-kumulang ₱125 sa bayarin ng typical household na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

About The Author