![]()
Inihayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nananatiling mataas ang moral ng komisyon sa kabila ng pagdawit ni resigned Congressman Zaldy Co kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, patuloy na ginagampanan ng komisyon ang kanilang mandato na panagutin ang mga responsable sa mga anomalya sa flood control projects.
Tumanggi si Hosaka na magbigay ng komento kung nabanggit sa mga nakaraang pagdinig ng ICI ang pangalan ng Pangulo.
Tumanggi rin itong magkomento sa pagkaladkad ni Co sa Pangulo dahil hindi pa validated ang video at hindi rin ito maaaring gamitin bilang ebidensya.
Iginiit nito na tugma ang mandato ng ICI sa isinusulong na transparency, accountability, at hustisya para sa taong bayan.
