dzme1530.ph

Mataas na cholesterol, senyales nga ba ng kakulangan ng fiber sa katawan?

Ang mga pagkain mataas sa fiber tulad ng prutas, gulay, beans, whole grains at mani ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang, mapalakas ang gut health at mapanatili ang regular bowel movement.

Alam niyo ba ang pagkakaroon ng mataas na cholesterol ay senyales na ng kakulangan sa fiber?

Kung sapat ang soluble fiber sa katawan, bumababa ang cholesterol.

Sa paliwanag, nakapagpapaiwas sa pagbara ng mga arteries o ugat kapag nabawasan ang absorption ng fiber bago pa mapunta sa ibang bahagi ng katawan.

Sa pag-aaral na inilathala sa British Medical Journal, natuklasan na ang 7 grams ng fiber kada araw ay nakapagpapababa ng 9% ng banta ng sakit sa puso na kadalasang sanhi ng mataas na cholesterol.

Maliban dito, mahalaga din ito upang maiwasan ang pag-develop ng diabetes at ilang uri ng cancer.–sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author