dzme1530.ph

Mataas na approval rating ni House Speaker Romualdez, pinuri!

Nagpahayag ng suporta kay House Speaker Martin Romualdez si Aklan Cong Teodorico Haresco dahil sa mataas na approval rating nito sa magkasunod na survey.

Pumalo sa 60% ang kumpiyansang nakuha ni Romualdez sa Pulso ng Pilipino Tracking survey ng The Issues and Advocacy Center o The Center, na isinagawa noong September 23 to 30 subalit nito lamang weekend inilabas.

Sa isa pang survey na ginawa naman ng OCTA Research nitong July 22 to 26, nagtala si Romualdez ng 54% trust and approval rating.

Para kay Haresco ang ‘consistent high approval ratings’ ni Romualdez ay testamento sa ‘proven at dynamic’ leadership nito bilang speaker at public servant.

Tinukoy din nito ang mabilis na aksyon ni Speaker para makapag dala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Western Visayas na puminsala sa mahigit 1-bilyong ari-arian at kumitil sa buhay ng 36 na katao. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author