Iginiit ni Dept. of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac na hindi pa ito ang tamang panahon para magsagawa ng mass repatriation.
Paliwanag ng opisyal, masyado pang maselan at hindi ligtas ang sitwasyon sa Israel kasunod ng mga pag-atake ng Palestinian militant group Hamas.
sinabi naman ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. na wala pang natatanggap na request for repatriation ang gobyerno.
Ito’y dahil mas pinili aniya ng Filipino community na manatili sa Israel sa halip na umuwi sa Pilipinas dahil huhupa rin anila ang sigalot sa naturang lugar.
Una nang pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino na pag-aralan ang mapa ng public shelters o “Miklat” sa Tel Aviv at Jaffa sa gitna ng umiigting na bakbakan sa pagitan ng Israeli Forces at Hamas. —sa panulat ni Airiam Sancho