dzme1530.ph

Masamang epekto ng pagiging obese, alamin!

Ang obesity ay isang kondisyon na nakaaapekto sa mahigit 6-M adult sa buong mundo.

Ayon sa pag-aaral, ito ay ang pagkakaroon ng labis na taba sa katawan.

Ang sobrang taba na ito ay may masamang epekto sa kalusugan tulad ng pagkakaroon ng sakit sa puso, hypertension, diabetes, at cancer.

Maaari ring makaapekto ang pagiging obese sa pag-uugali ng isang tao kung saan pwede itong makaranas ng stress, pagkabalisa, at depresyon.

Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto na kumain lamang ng sapat, bawasan ang calorie intake, at mag-ehersisyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng labis na taba. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author