Asahan ng mga biyahero ang mas murang pasahe sa eroplano sa susunod na buwan makaraang ibaba ng Civil Aeronautics Board ang fuel surcharged level.
Sa Advisory, inanunsyo ng CAB na ibinaba nila sa Level 4 mula sa Level 5 ang passenger at cargo fuel surcharges para sa domestic at international flights.
Sa ilalim ng Level 4, ang mga pasahero ay sisingilin lamang ng P117 hanggang P342 na fuel surcharges para sa domestic flights, depende sa layo ng biyahe.
Para naman sa international flights, ang surcharge ay mula P385.70 hanggang P2,867.82.
Ang fuel surcharge ay optional fee, bukod sa basic fare, na ipinapasa ng mga airlines sa mga pasahero para mabawi ang kanilang gastos bunsod ng pabago-bagong presyo ng jet fuel.