Pinalawig ng National Water Resources Board ang itinaas na alokasyon na 52 cubic meters per second sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System mula sa Angat-Ipo-La Mesa Water System para sa mga natitirang araw ng Hunyo.
Sinabi ni NWRB Exec. Dir. Sevilla David Jr. na inaprubahan nila ang request ng MWSS na ipagpatuloy ang 52 cms allocation para sa June 16 hanggang 20.
Matatandaang nagpasya ang Water Board na panatilihin sa 52 cms ang alokasyon para sa MWSS na mayroong cencession deals sa Manila Water at Maynilad para serbisyuhan ang East at West zones ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan, simula June 1 hanggang 15.
Gayunman, para sa June 16 to 30, ay binawasan ang alokasyon sa tubig sa 50 cubic meters per second. —sa panulat ni Lea Soriano