Isusulong ng Marcos Administration ang pagpasa ng bagong tax measures ngayong taon, partikular ang karagdagang buwis sa matatamis na inumin at tsitsirya, ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman.
Sinabi ng kalihim na plano sana nilang simulan ang revenue measures para sa sweetened beverages at junk food sa 2025 subalit i-a-advance na nila ito sa 2024.
Sa bahagi naman ni Finance Sec. Benjamin Diokno, inihayag nito na sa ilalim ng proposed tax program, papatawan ng P10 kada 100 grams o P10 kada 100 milliliters na buwis ang pre-package foods na kulang sa nutritional values.
Tinaya rin ni Diokno sa P76-B ang malilikha na karagdagang kita ng pamahalaan sa unang taon ng implementasyon ng junk food and sweetened beverage tax package. —sa panulat ni Lea Soriano