dzme1530.ph

Mas maraming Pilipino, nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay simula noong nakaraang taon

45% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa June 28-July 1 survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, lumitaw din na 33% ang nagsabing bumuti ang kanilang pamumuhay na tinawag ng SWS na “Gainers” habang ang natitirang 22% ay nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay na tinukoy naman bilang “Losers.”

Ayon sa survey firm, naitala sa +11 ang net gainer score na classified bilang “Very High.”

Mas mataas ito kumpara sa March 2023 net gainer score na +5 na nasa “High” Classification. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author