Nagbabala ang Grupong MANIBELA na mas marami pang kilos protesta ang kanilang idaraos pagkatapos ng Dec. 31 deadline para sa consolidation ng PUV.
Binigyang diin ni MANIBELA President Mar Valbuena na ang kanilang kilos protesta ay hindi nagtapos noong Dec. 29, at sa halip, aniya, ay asahan pa ang mas malalaking pagtitipon-tipon ng transport groups.
Ayon naman kay PISTON President Mody Floranda, nasa 300 units at mahigit 7,000 jeepney drivers at operators ang lumahok sa caravan at mobilization noong Dec. 29.
Samantala, nanindigan naman si Valbuena na ang itinakdang deadline para sa PUV Modernization Program ay walang pakinabang sa mga operator, drayber at mga pasahero.