Nanawagan ang ilang Agriculture stakeholders nang mas malalim na talakayan hinggil sa poultry industry.
Ayon kay Philippine Rural Reconstruction Movement President Edicio de la Torre, kamakailan ay nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Council for Agriculture and Fisheries – National Sectoral Committees, at sa Regional Agricultural and Fishery Council para pag-usapan ang mga problema sa naturang industriya.
Aniya, narinig ng Pangulo ang point of view at interes ng mga producer, partikular na sa poultry at livestock, subalit base sa feedback ng key participants sa pagpupulong, hindi aniya nabanggit ang mahahalagang isyu kaugnay sa importasyon, ligal o iligal ng mga karne lalo na ang mga manok.
Kasunod ng ikalawang sona ng Pangulo, matatandaang tinawag din ng United Broiler Raisers Association ang atensyon ni Marcos para sa pagbuo ng detalyadong plano kung paano mapabubuti ang local poultry industry at ang sektor ng agrikultura. —sa panulat ni Airiam Sancho