dzme1530.ph

Mas mabilis na usad ng Traslacion, inaasahan ngayon dahil sa bagong disensyo ng Andas

Inaasahan ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na mas mabilis ang usad ng Traslacion ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Traslacion 2024 Spokesperson Father Hans Magdurulang na maiuugnay ito sa bagong disensyo ng “andas” na pagsasakyan ng imahen ng Itim na Nazareno, pati na rin sa bagong alituntunin na bawal akyatin ng mga deboto ang andas.

Aniya, karaniwang tumatagal ang prusisyon ng 16 hanggang 20 oras pero dahil sa bagong andas at panuntunan ay mas mapabilis ang pagbabalik ng imahen sa simbahan ng Quiapo.

Ang andas ngayong taon ay mayroong tempered glass na siyang magbibigay ng proteksyon sa imahen ng Poong Nazareno. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author