Iminungkahi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa para sa jaywalking sa EDSA at C-5 bunsod ng mga naitatalang aksidente sa mga naturang highway.
Hinimok ni Abalos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maging ang concerned local government units na pag-aralan ang kanyang suhestiyon.
Suportado naman ni MMDA Chairperson Romando Artes ang panukala ng DILG Chief, sa pagsasabing makatutulong ito upang madisiplina at sumunod sa batas trapiko ang publiko.
Inihayag ni Artes na makikipag-ugnayan ang mmda sa Department of Transportation para makabuo ng mga solusyon upang maiwasan ang pagtawid ng pedestrians sa EDSA. —sa panulat ni Lea Soriano