Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa bansa habang papalapit ang kapaskuhan.
Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairperson, Atty. Don Artes matapos ang isinagawang traffic assessment para sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Artes, magkakasa ang ahensya ng bagong volume vehicle count sa mga panunahing lansangan partikular na sa EDSA sa susunod na buwan.
Nakalatag na rin aniya ang traffic management plan ng MMDA katulong ang mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders para masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa mga paaralan.—sa panulat ni Jam Tarrayo