Pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hanggang sa susunod na taon ang mas mababang taripa sa imported na bigas, mais, at karneng baboy.
Sa Executive Order no. 50, inextend hanggang sa Disyembre 2024 ang reduced most favored nation tariff rate sa mga nabanggit na produkto.
Sa ilalim nito, mananatili sa 15% ang in-quota tariff para sa karneng baboy at 25% sa out-quota, 5% in quota sa mais at 15% sa out-quota, at 35% sa in-quota at out-quota tariff sa bigas.
Ang pag-extend ng mas mababang taripa ay ini-rekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) board. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News