dzme1530.ph

Mas epektibo at modernong sistema ng BOC, mararamdaman sa susunod na dalawang taon

Asahan ng publiko ang mas epektibo at modernong sistema mula sa Bureau of Customs sa susunod na dalawang taon.

Sinabi ni Customs Assistant Commissioner at Spokesperson Vincent Philip Maronilla na ongoing na ang procurement process para sa advanced systems, alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na isulong ang digitalization sa mga ahensya ng pamahalaan.

Idinagdag ni Maronilla na nakikipag-ugnayan ang BOC sa World Bank para talakayin ang bagong timelines at requirements para sa Philippine Customs Modernization Program.

Aniya, nasa bansa ang mga kinatawan ng World Bank para magsagawa ng midterm review, kabilang na ang digitalization efforts ng BOC na ngayon ay nasa 98% na. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author