dzme1530.ph

Marlon Tapales, makakaharap si Naoya Inoue para sa super bantamweight showdown sa Disyembre

Makakasagupa ng Filipino boxer na si Marlon Tapales si Naoya Inoue ng Japan para sa Undisputed World Super Bantamweight Belts sa Disyembre.

Tiniyak ng 31- anyos na boksingero na siya ang magiging “biggest nightmare” ng Japanese monster sa hometown nito.

Aniya, patuloy ang kaniyang pag-eensayo bilang paghahanda sa darating na laban kahit nasa maayos nang kondisyon ang kaniyang katawan.

Si Tapales na may record na 37 wins, 3 loss at 19 knockouts ay nanalo at nasungkit ang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) title nang padapain ang dating unified champion na si Murodjon Ahkmadaliev noong Abril sa Texas, U.S.A. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author